LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan — Mas pinaigting ng mga operatiba ng Malolos PNP ang anti-Criminality Checkpoint nu’ng Martes (April 28) sa kahabaan ng McArthur Highway, Barangay Tikay sa naturang lungsod.
Ayon kay P/Lt. Rommel E. Geneblazo, Chief of Police ng Malolos CPS, mas paiigtingin pa ng nila ang pagpapanatili ng seguridad sa lungsod mula na rin sa direktiba ni Mayor Christian D. Natividad.

Ang naturang operation ay pinangunahan ni P/Capt. Jhomar P. Ramil, Duty Officer of the Day, kasama ang mga tauhan ng istasyon.
Tampok din ang partisipasyon ni PSSg Cindy O Vicente, ang nag-iisang babaeng pulis na nakatalaga sa sektor, na nagpapakita ng pantay na gampanin ng kababaihan sa pagpapanatili ng kaayusan at kaligtasan ng komunidad. (UnliNews Online)
Story & photos: Malolos MPS

