LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan — Matagumpay na naisagawa ng Station Drug Enforecement Unit (SDEU) ng nasabing lungsod ang anti-illegal drug operation (buy bust) na nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek.
Base sa ulat ni P/Lt. Rommel E. Geneblazo, Chief of Police ng Malolos CPS, kinilala ang suspek na si alias “Andoks,” 46 taong gulang, at residente ng Brgy. Longos, Calumpit, Bulacan. Siya ay naaresto bandang alas-10:30 ng gabi kamakalawa.
Nakumpiska mula sa suspek ang 7 piraso ng heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na may tinatayang bigat na 1.3 gramo at nagkakahalaga ng P8,840.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11, Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Malolos CPS para sa kaukulang dokumentasyon at pagsasampa ng kaukulang kaso.
Patuloy naman ang Malolos PNP sa pagbibigay ng serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdaman para sa isang ligtas at payapang komunidad. (UnliNews Online)

