LUNGSOD NG MALOLOS — Isang matagumpay na anti-illegal drug operation ang isinagawa ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Malolos City Police Station na nagresulta sa pagkakaaresto ng dalawang hinihinalang sangkot sa ilegal na droga sa Brgy. Bangkal, City of Malolos, Bulacan.
Bandang alas-8:15 ng gabi noong Mayo 16, 2026, nagsagawa ng Buy-bust Operation ang Malolos PNP laban sa isang Rider at alyas “Bebelove,” na parehong residente ng Northville 8, Brgy. Bangkal, Malolos City.
Sa isinagawang operasyon, nakumpiska mula sa mga suspek ang anim na piraso ng self-sealing transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang tuyong dahon ng Marijuana na may tinatayang timbang na humigit-kumulang 70 gramo at nagkakahalaga ng P8,440.
Matapos ang operasyon, agad na dinala ang mga naarestong suspek kasama ang mga nakumpiskang ebidensya sa Malolos City Police Station para sa wastong dokumentasyon at disposisyon ng kanilang kaso.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Section 5, Article II ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Patuloy namang pinaaalalahanan ng Malolos CPS ang publiko na makipagtulungan sa mga awtoridad at agad na iulat ang anumang ilegal na aktibidad upang mapanatili ang kapayapaan at maging isang Drug-Free Community ang lungsod ng Malolos. (UnliNews Online)

