Thursday, May 28, 2026
Amana Water Park
HomeProvincial NewsBulacan UnliNews3 most wanted arestado sa pinaigting na manhunt operation ng Malolos PNP

3 most wanted arestado sa pinaigting na manhunt operation ng Malolos PNP

CAMP ALEJO SANTOS, Bulacan — Naaresto ng mga operatiba ng Malolos City police ang tatlong most wanted persons sa bisa ng iba’t ibang warrant of arrest para sa kasong Qualified Theft under Article 310 ng Revised Penal Code noong Monday ng hapon. (May 25).

Batay sa ulat ni PLt. Col. Rommel E. Geneblazo, Hepe ng Malolos CPS, nagsagawa ang kanilang mga tracker team ng magkakahiwalay na manhunt operation na nagresulta sa pagkakaaresto ng 3 mga akusado sa Brgy. Bulihan at Brgy. Ligas, Malolos City, Bulacan.

Ang mga naarestong akusado ay nasa kustodiya ngayon ng Malolos CPS para sa tamang disposisyon bago ang kanilang turnover sa korte ng pinagmulan ng warrant of arrest.

Pinapurihan ni P/Col. Jay B. Baybayan, Officer-in-Charge ng Bulacan Police Provincial Office, ang matagumpay na operasyon ng Malolos CPS at muling tiniyak ang mas pinaigting na kampanya laban sa mga nagtatangkang umiwas sa batas.

“Ayon sa kanya, ang tuloy-tuloy na paghahain ng warrant of arrest at walang humpay na manhunt operations ay patunay ng matatag na paninindigan ng kapulisan na panatilihin ang kaayusan at tiyaking mananagot ang sinumang lumalabag sa batas. Hinikayat din niya ang publiko na patuloy na makiisa at makipagtulungan sa kapulisan upang mapanatili ang isang ligtas, maayos, at mapayapang pamayanan sa buong lalawigan ng Bulacan.” (UnliNews Oline)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News