Wednesday, June 17, 2026
Amana Water Park
HomeProvincial NewsBulacan UnliNewsLalaki nangyakap ng 21-anyos na babae, arestado sa paglabag sa ‘Bawal Bastos...

Lalaki nangyakap ng 21-anyos na babae, arestado sa paglabag sa ‘Bawal Bastos Law’

LUNGSOD NG MALOLOS — Agad na naaresto ang isang 42-anyos na lalaki matapos umano nitong yakapin nang walang pahintulot ang isang 21-anyos na babae habang naglalakad kasama ang kanyang ina sa Barangay Tikay sa nabanggit na lungsod noong Linggo ng gabi.

Batay sa imbestigasyon, nakita ng ina ng biktima ang insidente at agad na umaksyon upang protektahan ang kanyang anak. Kaagad silang humingi ng tulong sa Barangay Hall ng Tikay, kung saan mabilis na rumesponde ang mga duty Barangay Tanod na nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek.

Ang suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Malolos City Police Station habang inihahanda ng Investigation Officer on Case (IOC) ang mga kinakailangang dokumento para sa pagsasampa ng kasong paglabag sa Republic Act No. 11313 o ang Safe Spaces Act sa Office of the City Prosecutor, Malolos City, Bulacan.

Muling pinaalalahanan ng Malolos PNP ang publiko na igalang ang personal na espasyo at karapatan ng bawat isa, at agad na ireport sa mga awtoridad ang anumang uri ng harassment o pang-aabuso. (UnliNewsw Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News