PANDI, Bulacan — Naging mas makulay at masaya nitong araw ng Lunes (June 15) ang mahigit 3,000 little PandieƱo makaraang umarangkada na ang pamimigay ng lokal na Pamahalaan ng kanilang mga ID, school supplies, uniporme, at learning kits sa lahat ng Day Care Children at Day Care Centers sa nasabing bayan.
Sa pangunguna ni Mayor Enrico Roque, nasa mahigit 3,000 batang PandieƱo ang nakatanggap ng mga kagamitang magsisilbing tulong sa unang hakbang tungo sa kanilang mga pangarap.

Mababanaag ang ngiti at saya ng mga little PandieƱo habang tumatanggap ang handog para sa kanila. Lalo pang naging masigla ang araw nang makita nila ang mga inihandang palaruan, na agad naman nilang sinubukan.
Naniniwala tayo na ang bawat batang PandieƱo ay may malaking pangarap na dapat suportahan. Kaya patuloy tayong maghahandog ng mga programang nagbibigay inspirasyon at oportunidad para sa bawat PandieƱo.

Handa nang mangarap, Handa nang matuto ang mga Little PandieƱo. (UnliNews Online)

