CAMP ALEJO SANTOS, Bulacan — Tatlong sangkot sa iligal na droga ang naaresto Sa isinagawang buy-bust operation ng Norzagaray Municipal Police Station sa Sitio San Jose, Brgy. Minuyan, Norzagaray, Bulacan noong Martes ng madaling araw (June 23).
Batay sa ulat ni P/Lt. Ismael Conde Gauna, Hepe ng Norzagaray MPS, nagsagawa ng anti-illegal drug operation ang Station Drug Enforcement Unit ng Norzagaray MPS na nagresulta sa pagkakaaresto ng tatlong suspek dahil sa paglabag sa Sections 5, 11, at 26, Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, at paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
Nakumpiska mula sa mga suspek ang 10 heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng tinatayang anim na gramo ng hinihinalang shabu na may tinatayang halaga na humigit-kumulang P40,800.00, buy-bust money, 1 kalibre .38 revolver na walang serial number, tatlong bala ng kalibre .38, at isang kulay itim na bag.
Dinala ang mga naarestong suspek at mga nakumpiskang ebidensya sa Norzagaray Municipal Police Station para sa kaukulang dokumentasyon at pagsasampa ng mga kaukulang kaso. (UnliNews Online)

