Tuesday, August 18, 2026
Amana Water Park
HomeNational NewsPandi LGU, naghatid ang tulong at suporta sa mga biktima ng kalamidad!

Pandi LGU, naghatid ang tulong at suporta sa mga biktima ng kalamidad!

PANDI, Bulacan — Pinangunahan ni Mayor Enrico Roque ang pagkilos na maihatid ang agarang tulong at suporta sa mga PandieƱo na nangangailangan at naging biktima ng pinalakas na habagat at mga Bagyong Luis at Maymay na nagdulot ng malawakang pagbaha sa buong lalawigan ng Bulacan.

Personal na nagtungo ang alkalde, kasama ang ilang miyembro ng Sangguniang Bayan, LDRRMO, MSWDO, mga kawani ng Pamahalaang Bayan sa mga barangay na lubhang naapektuhan ng kalamidad.

Maliban sa dalang mga food packs na magsisilbing pantawid-gutom ng mga kababayan, personal ding kinumusta ni Mayor Roque at mga konsehal ng bayan ang kalagayan ng mga ka-PandieƱo, marinig ang kanilang mga pangangailangan, at masigurong hindi sila nag-iisa sa panahon ng matinding kalamidad.

(Mayor Rico Roque’s FB Page)

Ayon kay Mayor Roque, ang pagbabayanihang tulad nito ay malaki ang maitutulong upang mabawasan ang kalungkutan ng kanilang mga kababayan.

Hangad ng alkalde, kasama ang Pamahalaang Bayang na ipakitang may gobyernong aalalay sa bawat PandieƱo anumang pagsubok ang dumating sa kanilang buhay.

Nagpasalamat naman ang alkalde sa LDRRMO, MSWDO, mga kawani ng ating pamahalaang bayan, at sa lahat ng naging katuwang na walang pagod na nagsisilbi para sa kapakanan ng mga PandieƱo.

Ayon kay Mayor Roque, ā€œSa bawat hamon na ating hinaharap, mas lalo nating nakikita ang lakas ng pagtutulungan, malasakit, at pagkakaisa ng bawat isa.ā€

Dagdag pa nito, ā€œPatuloy po tayong kikilos at maglilingkod upang maipadama ang suporta at pag-aaruga na nararapat para sa ating mga ka-PandieƱo.ā€ (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News