CAMP ALEJO SANTOS, Bulacan — Matagumpay na naaresto ng mga operatiba ng Sta. Maria Municipal Police Station (MPS) ang isang most wanted person sa isinagawang implementasyon ng warrant of arrest sa Brgy. Bulac, Sta. Maria, Bulacan dakong alas-11:20 ng umaga noong Huwebes (July 9).
Batay sa ulat ni P/Lt. Mark Louie M. Sigua, Chief of Police ng Sta. Maria MPS, matagumpay na naaresto ng Tracker Team ng himpilan ang akusadong si alias Larry at residente ng Sitio Paigkas, Brgy. Bulac, Sta. Maria, Bulacan, sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Acts of Lasciviousness in Relation to Republic Act 7610 na may Criminal Case No. 74-STM-2026.
Ang naturang warrant ay inilabas noong Hulyo 8, 2026 ng Presiding Judge ng Family Court, Branch 6, Third Judicial Region, Sta. Maria, Bulacan, na may inirekomendang piyansang Php180,000.00.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng Sta. Maria MPS ang naarestong akusado at ihaharap sa hukuman na nagpalabas ng warrant para sa kaukulang commitment order at iba pang legal na proseso.
Binigyang-diin ni P/Col. Jay B. Baybayan, Acting Provincial Director ng Bulacan Police Provincial Office, na ang tuloy-tuloy na pagpapatupad ng mga warrant of arrest laban sa mga pinaghahanap ng batas ay patunay ng matatag na kampanya ng Bulacan PPO laban sa kriminalidad.
Aniya, mananatiling masigasig ang kapulisan sa paghahatid ng mga akusado sa hukuman upang matiyak ang mabilis at maayos na pagpapatupad ng hustisya at mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa lalawigan ng Bulacan. (UnliNews Online)

