Saturday, September 5, 2026
Amana Water Park
HomeProvincial NewsBulacan UnliNews‘Mga Kulay ng Pag-asa’ Art Exhibit, tampok sa Singkaban 2026

‘Mga Kulay ng Pag-asa’ Art Exhibit, tampok sa Singkaban 2026

Layong makalikom ng pondo para sa mga inisyatibang pangkomunidad

LUNGSOD NG MALOLOS — Sa pagsasama-sama ng Rotary Club of Malolos Liping Hiyas, sa pakikipagtulungan sa Bahaghari ng Malolos at ng the Provincial History, Arts, Culture and Tourism Office (PHACTO), itatanghal ang “Mga Kulay ng Pag-asa: Art Exhibit and Charity Auction” na tatakbo mula Setyembre 5-30, 202 sa Bulwagang Guillermo Tolentino, Bakuran ng Kapitolyo sa lungsod na ito, tampok ang mga orihinal na gawang sining ng mga miyembro ng Bahaghari ng Malolos.

Higit pa sa pagiging daluyan ng malikhaing pagpapahayag, layunin ng proyekto na gawing plataporma ang sining para sa pakikilahok ng komunidad, fundraising, at pagsusulong ng panlipunang responsibilidad na naglalayong mabigyan ng higit na pagkilala at oportunidad ang mga local artist upang maipakilala ang kanilang mga obra at magkaroon ng pagkakataong makaugnayan ang mga art enthusiast, collector, business leaders, civic organizations, at iba pang potensyal na parokyano at community partners.

Magtatapos ang eksibit sa pamamagitan ng isang Charity Art Auction sa Setyembre 26, 2026, kung saan iaalok sa mga supporter at collector ang mga piling likhang-sining. Ang malilikom mula sa auction ay pantay na paghahatian ng dalawang katuwang na organisasyon at ilalaan sa iba’t ibang programa para sa community development at humanitarian initiatives.

Kabilang sa mga pangunahing benepisyaryo at paglalaanan ng suporta ang educational assistance, mga programang pangkabuhayan, pagpapaunlad ng kabataan, humanitarian activities, medical missions, disaster response, at mga inisyatiba para sa sining at kultura.

Hatid ng “Mga Kulay ng Pag-asa” ang isang simple ngunit makapangyarihang mensahe: na ang sining ay maaaring magbigay-inspirasyon, magbuklod ng mga tao, at lumikha ng mga oportunidad para sa mga komunidad na nangangailangan. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News