Friday, September 11, 2026
Amana Water Park
HomeProvincial NewsBulacan UnliNewsBanda Buenaventura, ’wagi sa Singkaban Marching Band Competition

Banda Buenaventura, ’wagi sa Singkaban Marching Band Competition

LUNGSOD NG MALOLOS — Nasungkit ng Banda Buenaventura mula sa Lungsod ng Baliwag ang kampeonato sa 3rd Bulacan Marching Band Competition ng Singkaban Festival 2026 na ginanap sa Bulacan Capitol Gymnasium nitong Martes (Sept. 8), matapos ang makulay at engrandeng parada mula sa Malolos Convention Center.

Mula sa walong nagtunggaling banda, labis na hinangaan ng mga hurado at ng mga manonood ang husay ng Banda Buenaventura kaya naman naiuwi ng grupo ang kampeonato na may premyong P100,000 at apat na special awards kabilang ang Best in Uniform, Best Majorette, Best Color Guard Group, at Best Music—na may tig-P5,000 na premyo.

Samantala, itinanghal na First Runner-up ang Holy Trinity Band ng Lungsod ng Malolos na tumanggap ng P80,000 at karagdagang P5,000 para sa Best Drum Major; naiuwi naman ng Plaridel Youth Concert Band (PYCB) ang P65,000 na premyo bilang Second Runner-up, habang nakuha naman ng Jazz Band ng Norzagaray ang Third Runner-up na may P55,000 premyo.

Sa pagpapahayag ng kanyang paghanga sa pambihirang talento at determinasyon ng bawat grupong lumahok, pinuri ni Gobernador Daniel R. Fernando ang mga kabataan sa pagpapanatili ng mayamang kultura at tradisyon ng lalawigan sa pamamagitan ng musika at pagtatanghal.

“Ang musika at sining ng ating mga kabataan ay tunay na salamin ng dakilang kultura at nagkakaisang diwa ng mga Bulakenyo. Ipinagmamalaki natin ang kanilang talento na patuloy na nagbibigay-dangal sa ating lalawigan,” saad ni Fernando.

Ang matagumpay na pagtatanghal ng 3rd Bulacan Marching Band Competition ay patunay ng patuloy na dedikasyon ng lalawigan sa pagpapayaman ng pamana sa musika at pagtatampok sa galing ng mga lokal na alagad ng sining sa taunang Singkaban Festival. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News