CALUMPIT, Bulacan — Namahagi ng calumpit Municipal Police Station sa pangunguna ni P/Lt Col. Leopoldo L. Estorque Jr., Chief of Police, ng hot meals sa mga evacuees sa nasabing bayan bilang bahagi ng patuloy na pagtugon sa pangangailangan ng mga pamilyang naapektuhan ng malawakang pagbaha dulot ng bagyo na sinabayan pa ng hanging Habagat.
Isinagawa ang pamamahagi bilang pakikiisa at malasakit sa mga pamilyang naapektuhan ng sama ng panahon, lalo na sa mga pansamantalang lumikas para sa kanilang kaligtasan.
Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng mga kapulisan sa Pamahalaang Bayan ng Calumpit at iba pang katuwang na ahensya upang makatulong sa pagpapanatili ng kaligtasan, kaayusan, at kapakanan ng mga evacuees.
Pinapayuhan ang lahat na manatiling alerto, sumunod sa mga abiso ng mga awtoridad, at patuloy na mag-ingat para sa kaligtasan ng bawat isa.
Ang Pamahalaang Bayan ng Calumpit, sa pangunguna ng ating Ina ng Bayan, Mayor Lem Faustino, ay patuloy na kumikilos at nakikiisa sa mga hakbang na naglalayong matugunan ang pangangailangan ng bawat pamilyang Calumpiteño sa panahon ng kalamidad. (UliNews Online)
Source: Calumpit PNP

