Tuesday, October 13, 2026
Amana Water Park
HomeNational NewsOnline news anchor, patay sa pamamaril sa Albay!

Online news anchor, patay sa pamamaril sa Albay!

PATAY sa pamamaril ang broadcast journalist na si Adrian “Golden Boy” Loterte matapos paputukan ng mga hindi pa nakikilalang suspek sa Daraga, Albay nu’ng Lunes ng hapon (Oct. 12).

Naganap ang ang pamamaril sa bakery ng biktima sa Brgy. San Roque sa Bayan ng Daraga kung saan bigla na lamang siyang pinaulanan ng bala ng isa sa dalawang suspek bandang 4:10 ng hapon, bago ang mga ito tumakas angkas ng isang motor tungong Brgy. Kimantong.

Agad na isinugod sa Daraga Doctors Hospital si Loterte ngunit binawian din ito ng buhay bandang 5:00 ng hapon dahil sa mga tamang natamo nito.

Inatasan naman ng Police Regional Office 5 ang Special Investigation Task Group na pangunahan ang imbestigasyon at hulihin ang mga suspek sa krimen. Pinag-aaralan na rin ng mga awtoridad ang closed-circuit television footage habang nagkakalap ng mga payahag ng mga nakasaksi sa pamamaril. Ikinasa na rin ang ilang checkpoints sa mga karatig-lugar.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang motibo sa pamamaril.

Nagsisilbing online news anchor ng RBN News Television Rabas Cun Rabas si Loterte.

Kaugnay nito, mariing kinundena naman ng Albay Press Club ang pagpatay sa mamamahayag at nakisama sa paghingi ng hustisya para kay Lortete sa opisyal nitong pahayag.

Nanawagan din ang grupo sa Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) na makilahok sa imbestigasyon sa krimen.

“We also urge the Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) to extend its assistance and work closely with law enforcement agencies in investigating this attack and ensuring accountability for the crime committed against a member of the media,” ani Albay Press Club President Edwin Peralta.

“Violence has no place in a civilized society. No journalist or media practitioner should have to fear for their life while performing their duty to inform the public. Attacks against media workers are not only attacks on individuals but also threats to press freedom and the public’s right to know,” dagdag pa niya.

Hinimok naman ng lokal na pulisya ng Daraga ang publiko na iwasan ang pagkalat ng hindi beripikadong impormasyon hinggil sa krimen at maging sa pagkalat ng video o larawan ng pagpatay. (Manny D. Balbin)

Source: Bombo Radyo Philippines

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News