Wednesday, October 14, 2026
Amana Water Park
HomeProvincial NewsBulacan UnliNewsBulacan, nagwagi ng mga parangal sa 2026 Central Luzon SubayBAYANI Awards

Bulacan, nagwagi ng mga parangal sa 2026 Central Luzon SubayBAYANI Awards

LUNGSOD NG MALOLOS — Pinatunayan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan ang kahusayan nito sa pamamahala at pagpapatupad ng mga proyektong pang-imprastraktura matapos masungkit ang dalawang pangunahing parangal at makapasok bilang regional finalist sa 2026 Central Luzon SubayBAYANI Awards cum Infrastructure Governance Summit.

Kabilang sa mga natanggap ng lalawigan ang SubayBAYANI Exemplar Award para sa concreting ng Farm-to-Market Road sa Barangay San Mateo, Norzagaray, at ang Most Outstanding Performer Award. Naging regional finalist din ang Bulacan sa kategoryang Best Local Project Monitoring Committee (LPMC).

Nagkamit din ng mga parangal ang ilang lungsod at bayan sa Bulacan. Kabilang sa mga tumanggap ng SubayBAYANI Exemplar Award ang mga lungsod ng Malolos at Meycauayan, gayundin ang mga bayan ng Obando at Pulilan.

Kinilala rin ang Meycauayan at Pulilan bilang Most Outstanding Performers, habang ginawaran naman ang Doña Remedios Trinidad bilang LIL HUB Partner. Nakatanggap ang Lungsod ng San Jose del Monte ng SubayBAYANI Compliant recognition.

Samantala, naging regional finalists sa Best Local Project Monitoring Committee (LPMC) ang mga lungsod ng San Jose del Monte at Meycauayan, gayundin ang bayan ng Angat.

Ipinapakita ng mga pagkilalang ito ang patuloy na pagsisikap ng mga lokal na pamahalaan sa Bulacan na isulong ang maayos na pamamahala, pananagutan, at de-kalidad na mga proyektong pang-imprastraktura para sa kapakinabangan ng mga mamamayan. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News