Wednesday, October 14, 2026
Amana Water Park
HomeProvincial NewsBulacan UnliNewsBulacan Market Connect, nagbukas ng mas malawak na pamilihan para sa mga...

Bulacan Market Connect, nagbukas ng mas malawak na pamilihan para sa mga lokal na MSME

LUNGSOD NG MALOLOS — Pinalawak ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan ang oportunidad ng mga lokal na micro, small, and medium enterprises (MSMEs) na makapasok sa mas malawak na pamilihang institusyonal sa pamamagitan ng Bulacan Market Connect na isinagawa noong Martes (Oktubre 13), sa Balagtas Hall ng Hiyas ng Bulacan Convention Center sa lungsod na ito.

Pinangunahan ng Provincial Cooperative and Enterprise Development Office (PCEDO), katuwang ang Department of Trade and Industry (DTI)-Bulacan, ang programa na naglalayong iugnay ang mga lokal na negosyante sa mga institusyonal na mamimili at magbukas ng karagdagang oportunidad para sa kanilang mga produkto at negosyo.

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Cooperative and Enterprise Development Month 2026, layunin ng aktibidad na mabigyan ang mga lokal na entreprenyur ng mahahalagang kaalaman hinggil sa mga kinakailangan sa pagpasok sa mga pamilihang institusyonal, mga oportunidad sa negosyo, at mga estratehiya sa pagtatatag ng pakikipag-ugnayan sa mga institusyonal na mamimili.

Tampok sa programa ang mga information and learning session kung saan ibinahagi nina G. Gerardo V. Cabochan, Jr., founder ng Pandayan Bookshop; G. Nicholas Concepcion, tagapangulo ng ALAFOP Bulacan, Inc.; G. Darlyn L. Calderon, pangulo ng Jedidiah Food Industry OPC; at G. Alice U. Aniag, tagapangulo ng Packetswork Corp., ang kanilang kaalaman, kahusayan, at mga karanasan hinggil sa mga institusyonal na mamimili, mga oportunidad sa merkado, at mga estratehiya sa pagtatatag ng mga pakikipagsosyo sa negosyo upang tulungan ang mga MSME sa Bulacan na palawakin ang kanilang abot sa merkado.

Sinundan ng open forum ang talakayan kung saan nagkaroon ng pagkakataon ang mga dumalo na magtanong, magpalitan ng mga ideya, at linawin ang mga paksang tinalakay. Nagtapos ang aktibidad sa isang business matching session na nagbigay ng pagkakataon sa mga MSME na makaugnayan ang mga potensyal na mamimili at tuklasin ang mga posibleng pakikipagsosyo sa negosyo.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni DTI Regional Director Edna D. Dizon ang kahalagahan ng pagpapatuloy ng mga inisyatiba sa business matching upang maihatid ang mga produktong Tatak Bulakenyo sa mas malawak na merkado at makapagtatag ng pangmatagalang ugnayan sa mga institusyonal na mamimili.

“Umaasa ako na sa pamamagitan ng institutional B2B marketing matching na ito, magkaroon sana ng pagpapatuloy at hindi lamang maging isang beses na aktibidad. Ang nais nating makita ay ang pagpapanatili ng tuloy-tuloy na produksyon ng mga produkto,” pahayag ni Dizon habang binibigyang-diin na na sa pagkakaroon na ng mga potensyal na merkado, kailangang maging handa ang mga lokal na MSME na tugunan ang pangangailangan at tuluy-tuloy na magsuplay ng kanilang mga produkto.

Ibinahagi rin ni Dizon ang planong pag-aralan ang pagtatayo ng isang One Town, One Product (OTOP) Store sa Clark City, kabilang ang mungkahing pagpupulong upang talakayin ang paglalagay ng isang Pasalubong Center sa loob ng Clark Development Corporation (CDC) na inaasahang magsisilbing karagdagang plataporma sa pagtataguyod ng mga produktong gawa sa Bulacan at sa pagpapalawak ng kanilang merkado sa labas ng lalawigan at sa iba pang bahagi ng rehiyon. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News