LUNGSOD NG MALOLOS — Pinaigting ng Malolos City Police Station ang pagbabantay sa Malolos Cathedral at iba pang simbahan sa lungsod upang matiyak ang kaligtasan ng mga mananamba at maiwasan ang mga insidente habang isinasagawa ang mga gawaing panrelihiyon nitong Linggo (Oktubre 11).
Bahagi ang hakbang ng patuloy na kampanya ng Malolos PNP sa community peacekeeping, kung saan naglalaan ng presensya ang mga pulis upang maiwasan ang mga insidente at matiyak ang maayos at mapayapang pagdaraos ng mga gawaing panrelihiyon.
Ayon kay P/Lt. Col. Jordan G. Santiago, acting Chief of Police ng Malolos, layunin ng inisyatiba na palakasin ang seguridad sa komunidad sa pamamagitan ng patuloy na pagbabantay at pakikipag-ugnayan sa mga mamamayan.
Patuloy namang isinusulong ng himpilan ang serbisyong nakatuon sa kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan ng mga residente ng lungsod.
Malolos PNP, Serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdaman! (UnliNews Online)
Source: Malolos PNP

