Tuesday, October 13, 2026
Amana Water Park
HomeProvincial NewsBulacan UnliNewsKaSimbaYanan: Pinalakas ang kaalaman sa turismo, seguridad at kasaysayan ng Malolos

KaSimbaYanan: Pinalakas ang kaalaman sa turismo, seguridad at kasaysayan ng Malolos

LUNGSOD NG MALOLOS — Pinalawak ang kaalaman ng mga MaloleƱo sa kahalagahan ng seguridad, pagpapaunlad ng turismo at pangangalaga sa makasaysayang pamana ng lungsod sa pamamagitan ng programang KaSimbaYanan sa Duyan ng Unang Republika kamakailan na ginanap sa Malolos Sports and Convention Center.

Layunin ng programa na palalimin ang kamalayan ng mga kalahok sa ugnayan ng ligtas na pamayanan, maunlad na turismo at pagpapahalaga sa kasaysayan bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap na mapangalagaan ang makasaysayang pagkakakilanlan ng Malolos.

Sa temang ā€œMula sa Unang Republika tungo sa Bagong Pilipinas: Kasaysayan, Pagbabago, at Bayan,ā€ nagsama-sama ang mga kinatawan ng pamahalaan, mga opisyal ng barangay, kabataan, senior citizens, at iba pang sektor upang talakayin ang kahalagahan ng aktibong pakikilahok ng mamamayan sa pagsusulong ng turismo, seguridad, at kaunlaran ng lungsod.

Sa pagtutulungan ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos at Department of Tourism (DOT), naging pagkakataon ang programa upang higit na maunawaan ng mga dumalo ang papel ng bawat mamamayan sa pangangalaga ng makasaysayang pamana ng Malolos at sa pagpapanatili ng isang ligtas at maunlad na pamayanan.

Inumpisahan ang programa sa pambungad na pananalita ni Asst. City Administrator Gertudes N. De Castro, Officer-in-Charge of the City Arts, Culture, Tourism, and Sports Division.

Sinundan ito ng mensahe mula kay Kon. Victorino “Troi” M. Aldaba III, Tagapangulo ng Lupon ng Turismo, Kultura, at Sining. Binigyang-diin ni Aldaba ang kahalagahan ng paglingon sa nakaraan bilang mga MaloleƱo.

ā€œKapag hindi natin binalikan ang ating kasaysayan, wala tayong magiging saysay,ā€ aniya.

Binigyang-diin naman ni Mayor Atty. Christian D. Natividad ang mahalagang papel ng Malolos sa kasaysayan ng bansa bilang duyan ng Unang Republika ng Pilipinas. Hinikayat din niya ang mga MaloleƱo na higit na pahalagahan ang kanilang lungsod at ang makasaysayang ambag nito sa pagkakakilanlang Pilipino.

ā€œLahat ay gagawin natin para sa ating mga ina, ‘di ho ba? Makikipagbabag tayo para sa kanila. Ang Malolos ang Nanay ng Unang Republika sapagkat dito iniluwal ang ating republika, kaya nararapat lamang nating pahalagahan ito,ā€ pahayag pa ng alkalde.

Samantala, tinalakay ni DOT Undersecretary for Visitor Safety and Security Initiatives Rodolfo S. Azurin Jr. ang kahalagahan ng bukas na diyalogo at pakikipag-ugnayan ng publiko sa mga programa at proyekto ng pamahalaan.

Binigyang-pansin din ang papel ng bawat mamamayan sa pagsusulong ng seguridad at pag-unlad ng ekonomiya, na mahalaga sa pagpapalago ng turismo, kultura, at sining.

Nagkaroon din ng panel discussion at open forum kasama sina Usec. Azurin Jr., Ptr. Ronnie Santos, Apostol Teodulo Malangen, at Ptr. Ronald Cervantes.

Dito ay nabigyan ng pagkakataon ang mga MaloleƱo na maipahayag ang kanilang mga saloobin at katanungan ukol sa mga plano ng Pamahalaang Nasyonal, hindi lang para sa turismo ng Lungsod ng Malolos, kundi maging para sa buong bansa.

Naging isang mahalagang hakbang ang kaganapan upang matukoy ang mga pangangailangan ng lungsod sa larangan ng seguridad at turismo, habang pinagtitibay nito ang pambansang pagkakakilanlan at pagmamahal sa bayan ng mga MaloleƱo. (UnliNews Online)

Source: Malolos CIO

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News