Thursday, October 15, 2026
Amana Water Park
HomeProvincial NewsBulacan UnliNewsNegosyante, timbog sa iligal na baril sa Calumpit!

Negosyante, timbog sa iligal na baril sa Calumpit!

CALUMPIT, Bulacan — Arestado ang isang 31-anyos na negosyante matapos masangkot sa umano’y iligal na pag-iingat ng baril sa Barangay Poblacion, Calumpit, Bulacan, nung Miyerkules na hatingggabi (Oct. 14).

Ayon sa ulat ni P/Lt. Col. Leopoldo L. Estorque, Jr., hepe ng Calumpit Police Station, nagsasagawa ng pagpapatrolya ang mga pulis sa ilalim ng JBM Patrol System nang makatanggap ng tawag mula sa isang concerned citizen hinggil sa grupo ng mga lalaking umiinom ng alak sa nasabing lugar, kung saan ang isa ay umano’y may dalang baril.

Agad na rumesponde ang mga pulis kasama ang mga barangay tanod ng Barangay Poblacion. Sa kanilang pagberipika, napansin ang hawakan ng baril na nakasukbit sa baywang ng suspek.

Nang hingan ng mga dokumentong nagpapatunay sa legal na pagmamay-ari o pagdadala nito, nabigo siyang magpakita ng kaukulang papeles. Dahil dito, inaresto ang suspek at nakumpiska mula sa kanya ang isang itim na 9mm SARICAM pistol na may serial number na TL132-25B00876 at isang magazine na may lamang 15 bala ng 9mm ammunition.

Dinala ang suspek at ang mga nakumpiskang ebidensiya sa Calumpit Municipal Police Station para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon, habang inihahanda ang kaukulang kasong isasampa sa Office of the Provincial Prosecutor sa Lungsod ng Malolos, Bulacan.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act No. 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Sa ilalim ng pamumuno ni P/Col. Jay B. Baybayan, Acting Provincial Director ng Bulacan Police Provincial Office, patuloy na paiigtingin ang mga operasyong naglalayong maiwasan ang krimen, mapalakas ang ugnayan ng kapulisan at mga barangay, at mapanatili ang kapayapaan at kaayusan upang matiyak ang kaligtasan ng bawat Bulakenyo, alinsunod sa layunin ng JBM Patrol System at Safer Cities Initiative ng DILG. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News