Wednesday, October 21, 2026
Amana Water Park
HomeProvincial NewsBulacan UnliNewsDrug suspect, nasakote matapos tumakas sa police checkpoint sa Santa Maria

Drug suspect, nasakote matapos tumakas sa police checkpoint sa Santa Maria

CAMP ALEJO SANTOS, Bulacan — Arestado ang isang lalaki matapos umanong tumakas sa anti-criminality checkpoint ng pulisya at magtapon ng hinihinalang iliegal na droga sa Barangay Sta. Clara, Santa Maria, Bulacan, kamakailan.

Ayon sa ulat nagsasagawa ng checkpoint ang mga tauhan ng pulisya kasama ang mga opisyal ng barangay at force multipliers nang mapansin ang suspek na isang 27 taong gulang, residente ng Barangay Pulong Buhangin, Santa Maria, Bulacan, na sakay ng isang asul na Euro motorcycle na walang plaka at hindi nakasuot ng safety helmet.

Nang parahin para sa karaniwang inspeksiyon, hindi umano ito huminto at sa halip ay mabilis na tumakas, dahilan upang siya ay habulin ng mga operatiba.

Sa isinagawang pagtugis, nakita na itinapon ng suspek ang isang itim na coin purse na naglalaman ng isang heat-sealed transparent plastic sachet, na may tinatayang standard drug price na P11,560. Nakumpiska rin ang isang P100 bill at ang motorsiklong kanyang minamaneho.

Nahaharap ang suspek sa mga paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, Republic Act No. 10054 o Motorcycle Helmet Act of 2009, Republic Act No. 4136 o Land Transportation and Traffic Code, at Disobedience to a Person in Authority.

Sa kasalukuyan, nasa kustodiya ng Santa Maria MPS ang suspek habang inihahanda ang kaukulang dokumentasyon at pagsasampa ng mga kasong nararapat sa Office of the Provincial Prosecutor sa Lungsod ng Malolos.

Isasailalim din sa pagsusuri ng Bulacan Provincial Forensic Unit ang nakumpiskang hinihinalang ilegal na droga. Isinagawa ang pagkuha ng litrato at imbentaryo ng mga nakumpiskang ebidensiya sa presensiya ng suspek at mga kinilalang saksi alinsunod sa mga itinakdang pamamaraan ng batas. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News