Friday, October 23, 2026
Amana Water Park
HomeProvincial NewsBulacan UnliNewsBulacan, ECC nagsagawa ng seminar para palawakin ang kaalaman sa benepisyo ng...

Bulacan, ECC nagsagawa ng seminar para palawakin ang kaalaman sa benepisyo ng mga manggagawa

LUNGSOD NG MALOLOS — Nagsagawa ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan, katuwang ang Employees’ Compensation Commission (ECC) at iba pang ahensiya ng pamahalaan, ng Employees’ Compensation Program (ECP) Advocacy Seminar and Consultation at Go Asenso Negosyo Caravan sa The Pavilion, Hiyas ng Bulacan Convention Center kamakailan..

Layunin ng aktibidad na palawakin ang kaalaman ng mga manggagawa tungkol sa mga benepisyong maaari nilang matanggap kaugnay ng mga sakit, aksidente, o iba pang insidenteng may kinalaman sa kanilang trabaho, gayundin ang pagpapalakas ng suporta sa mga lokal na negosyante.

Sa pamamagitan ng seminar at konsultasyon, nabigyan ng pagkakataon ang mga kalahok na mas maunawaan ang Employees’ Compensation Program at ang mga serbisyong maaaring makatulong sa kanilang kapakanan at kabuhayan.

Tinalakay ni Alvin C. Garcia, OIC Chief ng Information and Public Assistance Division ng ECC, ang pangkalahatang impormasyon tungkol sa EC Program at ipinaliwanag na nagbibigay ito ng kompensasyon at mga benepisyo sa mga kuwalipikadong empleyadong nakararanas ng sakit, pinsala, kapansanan, o pagkamatay na may kaugnayan sa kanilang trabaho sa pamamagitan ng Government Service Insurance System (GSIS) para sa mga kawani ng pamahalaan at Social Security System (SSS) para sa mga manggagawa sa pribadong sektor.

Ipinaliwanag din niya na saklaw ng EC Program ang compulsory members ng SSS, kabilang ang mga regular na empleyado, self-employed, mga Overseas Filipino Worker (OFW) na nagtatrabaho sa mga barko, at mga kasambahay at nilinaw rin na ang mga miyembro ng SSS na boluntaryong naghuhulog ay kailangang magparehistro bilang self-employed upang maisama sa programa, alinsunod sa mga umiiral na patakaran ng SSS.

Maaaring makatanggap ang mga kuwalipikadong miyembro ng mga benepisyo para sa kapansanan, tulong medikal, allowance para sa tagapag-alaga, benepisyo sa pagkamatay at pagpapalibing, at mga serbisyong pangrehabilitasyon. Nagsisimula ang employee coverage sa unang araw ng kaniyang pagtatrabaho, alinsunod sa mga probisyon ng programa.

Samantala, ipinaliwanag ni Ella Mae P. Bayangos, Public Relations Officer ng ECC, ang mga kondisyong maaaring pagkalooban ng kompensasyon, mga benepisyong maaaring matanggap, at proseso ng paghahain ng EC claims na aniya ay maaaring isumite ang mga aplikasyon online o sa pinakamalapit na sangay ng tanggapan batay sa lugar ng trabaho o tirahan ng claimant.

Nagkaroon din ng open forum kung saan nabigyan ng pagkakataon ang mga employer, negosyante, at iba pang dumalo na magtanong, magpahayag ng kanilang mga alalahanin, at humingi ng paglilinaw mula sa mga tagapagsalita hinggil sa mga paksang tinalakay.

Bilang suporta sa mga lokal na negosyo, nagbahagi ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ng mga estratehiya sa paghahanda sa El Niño at pagpaplano para sa pagpapatuloy ng operasyon ng mga MSME sa panahon ng mga sakuna at hamon sa negosyo.

Samantala, inilahad ng Provincial Cooperative and Enterprise Development Office (PCEDO) ang mga programa at serbisyong ipinagkakaloob ng Pamahalaang Panlalawigan sa mga MSME, na nagpapakita ng patuloy nitong pagsisikap na matulungan ang mga lokal na negosyante na makakuha ng tulong sa pagpapaunlad ng kanilang negosyo at mga oportunidad para sa paglago.

Kabilang din sa mga naging tagapagsalita sina Bise Gob. Alexis C. Castro; Department of Trade and Industry (DTI) Provincial Director Abgd. Coco Chanel Garcia-Yap; ECC Commissioner Abgd. Allan S. Montaño; ECC Deputy Executive Director Abgd. Evelyn R. Ramos, na nagbigay ng pangkalahatang paliwanag tungkol sa Employees’ Compensation Commission; at SSS Branch Head Venice S. Alonzo. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News