BIGYAN natin ng pansin ang panawagan ng ating mga tagasubaybay mula sa Kabisayaan, na ayaw pabanggit ang mga pangalan narito po: “Good morning Sir, iyong opinyon po namin sa dagdag sahod sa minimum wage increase dito sa region 6, na 33 pesos ay hinde sapat iyan sa amin na mangagawa.
Parang insulto iyan sa amin na mangagawa saan papunta ang 33 pisos na iyan, sa pamasahe lang kulang na yan at mahal pa yong gasolina sa ngayon pati mga bilihin.
Sir, siguro dapat na gumawa na ng batas ang ating Kongreso at ang Senate, para sa mangagawa na dagdag sahod. Kawawa talaga kami at may binubuhay pa kaming pamilya at may pinapaaral pa kaming mga anak.
Sir, sana matulungan nyo kami na makarating itong aming mensahe kay House speaker at kay Cong.Nograles. Maraming salamat and God bless.”
Una alamin natin ang ulat hinggil sa P33-P40 na dagdag sahod. Mula sa Kalurang Visayas, Inaprubahan ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) VI ang P33–P40 na dagdag sahod para sa mga minimum wage earners sa rehiyon. Nagkabisa ang pagtaas na ito noong Nobyembre 17, 2024. Ang bagong arawang sahod ay P485–P513 para sa non-agriculture sector at P480 para sa agriculture sector. Iyan ang ulat na ating nakalap.
Ngayon sapat ba ang dagdag sahod na inaprubahan? Sa kasalukuyang kalagayan ng ekonomiya ng Pilipinas, ang P33.00 na pagtaas sa suweldo ng mga manggagawa sa mga probinsya, ay karaniwang itinuturing na hindi sapat upang matugunan ang tumataas na halaga ng pamumuhay at mga rate ng inflation.
Sa ating nakalap na ulat, nitong taon, maraming rehiyon sa Pilipinas ang nakakaranas ng makabuluhang pagtaas ng presyo, sa mga mahahalagang produkto at serbisyo, kabilang ang pagkain, transportasyon, at pabahay. Ayon sa kamakailang mga ulat mula sa Philippine Statistics Authority (PSA), ang mga rate ng inflation ay nagbago ngunit nananatiling isang alalahanin, na ang mga presyo ng pagkain ay partikular na pabagu-bago.
Ipinahiwatig ng National Economic and Development Authority (NEDA), na ang mga pagsasaayos ng sahod ay dapat na mainam na sumasalamin hindi lamang sa inflation, kundi pati na rin sa mga nadagdag sa produktibidad at mga kondisyon sa ekonomiya ng rehiyon. Dahil maraming manggagawa ang nahihirapang makayanan ang mga pangunahing pangangailangan, ang isang P33.00 na pagtaas lamang ay hindi sapat na tumutugon sa mga hamong ito, o nagbibigay ng buhay na sahod para sa mga pamilya sa mga lugar sa probinsiya kung saan maaaring limitado ang mga oportunidad sa ekonomiya.
Tsk! Tsk! Tsk! Kailangang suriin mabuti ng RTWPB V1, ang mga bagay at panawagan na ito. Maraming manggagawa sa nasabing rehiyon ang hindi makaahon sa hirap na kanilang tinatamasa sa kasalukuyan. Hanggang sa muli. (UnliNews Online)