BOCAUE, Bulacan — Pinangunahan ni Vice Mayor Atty. Sherwin N. Tugna ang pagbibigay ng dagdag kabuhayan at trabado sa mga kababayang Bocaueño kamakailan.
Ayon kay Vice Mayor Tugna, sisimulan sa P1 milyong pondong pangkabuhayan na manggagaling sa Integrated Livelihood Program of the Department of Labor and Employment (DOLE) para magbigay ng tulong pinansyal sa mga Bocaueño at magpalakas ng kanilang kakayahan sa livelihood.
“Personal ko pong alam ang hirap at hamon na maghanap ng mapagkakakitaan. Ito ang nagtulak sa akin para maging entrepreneur. Kaya naman ginagawa natin ang abot ng ating makakaya upang mabigyan ng dagdag na kita at kabuhayan ang ating mga kababayan,” ani ng bise alkalde.
Bukod po dito, bago pa man umano maging Vice Mayor ng Bocaue si Tugna, naglunsad na ito ng serye ng mga “kabuhayan programs” para tulungan ang ating mga kababayan, partikular na yaong mga gustong magbenta ng siomai at dumplings.
“Ang pangarap ko po ay sama-sama tayong umunlad at maging masagana. Sa ating pagtutulungan, giginhawa ang buhay ng bawat isa” pagtatapos ni Vice Mayor Tugna. (UnliNews Online)