BALIWAG CITY — Sa pagdiriwang ng Araw ng Paggawa, pinangunahan ni Senate Majority Leader, Joel Villanueva, kasama si Mayor Ferdinand Estrella, ang pamamahagi ng Tulong Panghanapbuhay ng Department of Labor and Employment sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (DOLE-TUPAD) payout sa Star Arena sa naturang lungsod.
Sa kanyang talumpati, binigyang-pugay ni Senador Villanueva ang mga manggagawang Pilipino na patuloy na malaki ang kontribusyon sa ekonomiya ng bansa.
May kabuuang 1,400 benepisyaryo na nagmumula sa lungsod ng Baliwag, Meycauayan at sa City of San Jose Del at mga bayan ng Doña Remedios Trinidad at Bulakan tumanggap ng payout pagkatapos makumpleto ang kanilang 10 araw na trabaho. (UnliNews Online)