Friday, September 20, 2024
Amana Water Park
HomeUnliNews Bulacan‘Routine Immunization Program’ sa Bulacan, isinagawa

‘Routine Immunization Program’ sa Bulacan, isinagawa

PANDI, Bulacan — Isinagawa noong Thursday (May 4) ang pagpupulong ng mga health offices mula sa sa iba’t ibang bayan sa nabanggit na lalawigan ang 2nd Batch ng “Town Hall Meeting on MR-OPV SIA and Routine Immunization Program.

Layunin nang naturang programa na mas maunawaan ang importansya ng pagbabakuna laban sa tigdas, polio at rubella.

“Marami sa mga batang edad 5 years old pababa ay madaling mahawa o makapitan ng tigdas kung kaya’t ang ating Department Of Health katuwang ang ating Municipal Health Offices mula sa iba’t ibang bayan ay patuloy na magsasagawa ng pagbabakuna sa mga batang edad 0-59 months old para mapigilin ang pagkalat nito at kalaunan ay malipol na ang pagkalat ng polio, rubella at tigdas sa ating bansa,” ani Mayor Roque.

Pinasalamatan ng alkalde sina Dr. Janet Miclat, Medical Officer V- Central Luzon Center for Health and Development, Ma. Theresa Marie Bondoc, Health Education and Promotion Officer III-DOH CLCHD, Mam Claire Alviar OIC- Bulacan Provincial DOH at Dr. Edwin Tecson, Provincial Health Officer I- Provincial Health Office sa kanilang pagbabahagi ng tamang kaalaman sa benepisyo at kahalagahan ng pagbabakuna.

Hinihikayat ni Mayor Roque ang lahat ng mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak upang masiguro ang kanilang kaligtasan. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments