Wednesday, January 7, 2026
Amana Water Park
HomeProvincial NewsBulacan UnliNewsSuspek sa shooting incident sa Plaridel, arestado

Suspek sa shooting incident sa Plaridel, arestado

CAMP ALEJO SANTOS, Bulacan — Mabilis na naaresto ang isang lalaki na suspek sa pamamaril noong Sabado (Jan. 3) bandang ala-1 ng madaling araw sa harap ng isang gasoline station sa Cagayan Valley Road, Brgy. Tabang, Plaridel, Bulacan.

Agad namang ikinasawi ng isang 40-anyos na lalaking biktima at residente ng Brgy. Sto. Cristo, Malolos, Bulacan.

Ayon sa ulat ng Plaridel police sa pangunguna ni Lt. Col. Jerome Jay S. Ragonton, ang insidente ay nai-report bandang ala-2 ng madaling araw ng Enero 3, 2026.

Isang 24-anyos na delivery rider ang nakilalang saksi, habang ang suspek ay isang 30-anyos na lalaki at residente ng Brgy. San Pablo, Malolos, Bulacan.

Bilang agarang tugon, nagsagawa ng follow-up operation bandang ala-2:30 ng hapon ang Plaridel MPS, katuwang ang Provincial Intelligence Unit, Bulacan PPO, at ang Cabanatuan City Police Station, na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek bandang ala-5:30 ng hapon ng parehong araw, o wala pang 24 oras matapos ang insidente, sa isang hotel sa Maharlika Highway, Brgy. ACCFA, Cabanatuan City, Nueva Ecija.

Narekober mula sa suspek ang isang (1) Norinco caliber .45 pistol na may isang (1) magazine na may pitong (7) bala, at isang Mitsubishi L300 FB na ginamit umanong getaway vehicle.

Isasailalim ang suspek sa paraffin examination, habang ang baril ay ipapadala sa Bulacan Forensic Unit para sa ballistic examination. Inihanda ang kasong Murder para sa paghahain sa Office of the Provincial Prosecutor ng Bulacan. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News