LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan — Muling pinatunayan ng kapulisan ng Malolos ang kanilang malasakit sa komunidad matapos agad na tulungan at maisugod sa Rommel Hospital sa Barangay Matimbo ang isang babae na nahimatay habang nasa pampublikong lugar sa Brgy. Mambog.
Habang nagsasagawa ng routine patrol, napansin ni PSMS Wilmer Dee ang isang babae na bigla umanong nawalan ng malay. Agad siyang rumesponde at, nang walang pag-aalinlangan, isinakay ang matanda at dinala sa nasabing ospital upang mabigyan ng agarang medikal na atensyon.
Sa pamamagitan ng mabilis na aksyon at malasakit ni PSMS Dee, naagapan ang posibleng mas malalang kondisyon ng biktima.
Pinuri ng Malolos City Police Station ang ipinakitang dedikasyon at serbisyong higit pa sa tungkulin ni PSMS Dee, na magbigay ng serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdaman. (UnliNews Online)

