Monday, May 11, 2026
Amana Water Park
HomeProvincial NewsBulacan UnliNewsPulis Malolos na sangkot sa viral video ng pananakit sa kinakasama, sinibak!

Pulis Malolos na sangkot sa viral video ng pananakit sa kinakasama, sinibak!

Ni RONALYN CRUZ

LUNGSOD NG MALOLOS — Agarang sinibak sa puwesto ang isang pulis Malolos matapos mag-viral ang CCTV footage sa socmed kung saan sinasaktan at binubugbog ang kanyang kinakasama.

Sa opisyal na statement ni Malolos City Chief of Police P/Lt. Col. Rommel Geneblazo nitong araw ng Linggo (May 10), kinumpirma na ang naturang personnel ay kasalukuyang ni-relieved sa kanyang pwesto at naka-hold na sa Malolos Station Holding Unit habang isinasagawa ang masusing imbestigasyon.

Ayon kay Geneblazo, tatlong taon nang mag live-in partner ang pulis at ang biktima sa viral video na naganap noong March 12.

Agad umano nilang inimbestigahan ang insidente at natuklasang selos ang motibo sa pananakit.

Pansamantala na ring kinumpiska ang issued firearm at PNP ID ng nasabing pulis upang matiyak na hindi ito magamit sa pananakot o pang-aabuso habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

Mariing kinondena ng Malolos CPS ang insidente at ayon kay Col. Geneclazo, “Hindi po kinukunsinti ng aming tanggapan ang anumang paglabag sa batas at sa mga umiiral na alituntunin ng Philippine National Police, lalo na sa mga kababaihan.”

Tumanggi umanong magbigay ng pahayag ang suspek na kanilang ipinatawag, habang sinabi naman ng biktima na handa siyang ihabla ang kinakasamang pulis.

Sinabi na rin ng National Police Commission o NAPOLCOM na pinaiimbestigahan na nila ang insidente at tiniyak ang pagbibigay ng hustisya sa anumang uri ng karahasan, lalo na sa mga kababaihan. (UnliNews Online)

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News