Tuesday, May 12, 2026
Amana Water Park
HomeNational NewsSOTTO OUT, CAYETANO IN

SOTTO OUT, CAYETANO IN

PINATALSIK sa puwesto si Senator Tito Sotto bilang Senate President na kapalit naman nito si Sen. Alan Peter S. Cayetano na nahalal bilang Senate President sa plenaryo session noong Lunes (Mayo 11).

Si Cayetano ay nanumpa sa tungkulin sa harap ni Sen. Camille Villar, kasama ang kanyang asawang si Taguig City Mayor Lani Cayetano, at ang kanyang kapatid na si Sen. Pia Cayetano.

Samantala, si Sen. Loren Legarda ay nahalal bilang Senate President Pro Tempore, humalili kay Sen. Panfilo “Ping” Lacson, habang si Sen. Joel Villanueva ay itinalagang Acting Majority Leader.

Sa kanyang talumpati sa pagtanggap, hinimok ni Cayetano ang kanyang mga kasamahan na magkaisa para sa sambayanang Pilipino.

“Gusto naming maging malaya sa kahirapan. Gusto naming maging malaya sa katiwalian. Gusto naming maging malaya mula sa isang gobyerno na abala sa pakikipaglaban sa sarili nitong mga tao o sa mga taong nag-aaway sa isa’t isa. Hindi ito social media sa bawat minuto ay nagbabangayan. In real life, we have to be here with each other,” ani Cayetano.

Source: Senate of the Philippines

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News