Sunday, May 24, 2026
Amana Water Park
HomeProvincial NewsBulacan UnliNewsLolo, arestado sa iligal na baril sa Plaridel

Lolo, arestado sa iligal na baril sa Plaridel

CAMP ALEJO SANTOS, Bulacan — Arestado ang isang 70-anyos na lalaki matapos maaktuhan sa isinagawang buy-bust operation ng mga operatiba ng Bulacan Police Provincial Office kaugnay sa iligal na pagbebenta ng baril sa Brgy. Sto. Niño, Plaridel, Bulacan nitong Linggo ng madaling araw. (Mayo 24).

Batay sa ulat ni Maj. Mark Anthony E. Tiongson, Officer-in-Charge ng Bulacan PIU, kinilala ang suspek na si Alyas Loloy, isang convenience store owner at residente ng Brgy. San Rafael IV, City of San Jose Del Monte, Bulacan.

Ayon sa ulat ng Bulacan Provincial Intelligence Unit, bandang ala-1 ng madaling araw nang magsagawa ng buy-bust/entrapment operation ang mga operatiba ng PIU katuwang ang 1st PMFC at Plaridel MPS laban sa suspek dahil sa umano’y iligal na pagbebenta ng baril.

Nagresulta ang operasyon sa matagumpay na pagkakaaresto sa suspek matapos niyang bentahan ng isang Caliber .38 revolver na walang serial number ang isang pulis na nagpanggap bilang poseur-buyer kapalit ng halagang P2,000.00 na buy-bust money.

Bukod dito, narekober pa mula sa kanyang pag-iingat at kontrol ang sumusunod na mga armas at bala: isang improvised shotgun na walang serial number, isang Caliber .38 revolver na walang serial number, isang Caliber .22 revolver na walang serial number, isang pirasong live gauge 12 shotgun ammunition, dalawang pirasong live ammunition ng Caliber .38, dalawang pirasong live ammunition ng Caliber .22, isang itim na belt bag, isang dark blue cloth bag, at buy-bust money.

Dinala ang naarestong suspek at mga nakumpiskang ebidensya sa tanggapan ng Bulacan PIU para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon habang inihahanda ang pagsasampa ng kasong paglabag sa Republic Act No. 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Samantala, muling pinaigting ng Bulacan PPO ang kampanya laban sa loose firearms bilang bahagi ng pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa lalawigan. Ayon kay P/Col. Jay b. Baybayan, Officer-in-Charge ng Bulacan PPO, patuloy ang kanilang operasyon laban sa mga indibidwal na sangkot sa ilegal na pag-iingat at pagbebenta ng mga baril.

“Hindi natin palalampasin ang anumang uri ng ilegal na aktibidad na may kaugnayan sa mga baril dahil malaking banta ito sa seguridad ng publiko. Ang Bulacan PPO ay mananatiling agresibo sa pagpapatupad ng batas upang matiyak ang kaligtasan ng bawat mamamayan,” ani ni PCol. Baybayan. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News