Sunday, June 28, 2026
Amana Water Park
HomeProvincial NewsBulacan UnliNewsMalolos PNP, pinalakas ang police visibility sa mga eskwelahan sa lungsod

Malolos PNP, pinalakas ang police visibility sa mga eskwelahan sa lungsod

LUNGSOD NG MALOLOS — Bilang bahagi ng patuloy na pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa mga paaralan, nagsagawa ang Malolos City Police Station ng mas pinaigting na police visibility at security monitoring activities sa iba’t ibang paaralan sa lungsod.

Ayon kay P/Lt. Col. Rommel E. Geneblazo, Malolos City chief of police, layunin ng naturang aktibidad na matiyak ang kaligtasan at seguridad ng mga mag-aaral, guro, at iba pang school personnel, gayundin ang pag-iwas sa pagpasok ng anumang ipinagbabawal o mapanganib na kagamitan na maaaring magdulot ng banta sa loob ng mga paaralan.

Kasabay nito, pinaalalahanan ng Malolos PNP ang mga guwardya at school personnel na paigtingin ang kanilang pagbabantay at agad na makipag-ugnayan sa kapulisan sakaling may mapansing kahina-hinalang kilos, bagay, o insidente sa loob at paligid ng paaralan.

Binigyang-diin din ng Malolos PNP ang kahalagahan ng pagtutulungan ng mga paaralan, mga magulang, at ng komunidad upang mapanatili ang isang ligtas, maayos, at kaaya-ayang kapaligiran sa pag-aaral para sa lahat ng kabataan.

Patuloy na pinalalakas ng Malolos PNP ang police visibility at presence sa mga paaralan sa Lungsod ng Malolos upang masiguro ang kaligtasan ng mga mag-aaral at mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa komunidad sa pamamagitan ng serbisyong mabilis, tapat at nararamdaman. (UnliNews Online)

Photo: Malolos CPS

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News