Saturday, June 27, 2026
Amana Water Park
HomeProvincial NewsBulacan UnliNews‘Kasalang Bayan’ at ‘Binyagang Bayan,’ magkasunod na isinagawa sa Pandi

‘Kasalang Bayan’ at ‘Binyagang Bayan,’ magkasunod na isinagawa sa Pandi

PANDI, Bulacan — “’Till death do us part”!

Ito ang mga katagang ipinangako at pinagtibay ng mga couples na sabay-sabay na nag-isang dibdib sa isinagawang “Kasalang Bayan 2026” na ginanap sa Amana Royale.

Hindi lamang sila nagpalitan ng “I do,” kundi pinagtibay rin nila ang kanilang pagmamahalan sa harap ng kanilang pamilya, mga kaibigan, at ng buong Bayan ng Pandi. Bawat isa ay may sariling kuwento ng pagmamahal, pagsubok, at pangarap na ngayon ay mas matatag nilang haharapin bilang mag-asawa.

Ayon kay Mayor Enrico Roque, malaking karangalan po sa akin, kasama ang ilang konsehal ng Bayan ng Pandi na masaksihan at makabahagi sa isa sa pinakamahalagang araw ng kanilang buhay.

“Sa bawat pangakong kanilang binitiwan, kaakibat nito ang aking hangarin at panalangin na lalo pang tumibay ang kanilang pagsasama, pagmamahalan, at pag-unawa sa isa’t isa sa mga darating na taon,” ani alkalde.

Isang araw ang lumipas, isinagawa naman ng Pamahalaang Bayan ng Pandi ang “Binyagang Bayan 2026” na kung saan ay 37 bata o sanggol ang sinalubong para maging ganap na Kristiyano.

Naging matagumpay ang nasabing Binyagang Bayan na ginanap sa Immaculate Concepcion Parish. Kasama ang kanilang mga magulang, ninong, ninang at kapamilya na magiging gabay sa paglakad nila sa buhay Kristiyano.

“Sa bawat batang nabinyagan, kaakibat nito ang aking panalangin na sila’y lumaki na may pagmamahal sa Diyos, mabuting puso, at may maayos na buhay,” ani Mayor Roque.

Taus-pusong pasasalamat din po kay Rdo. P. Kevin Yonnel Alejandro na syang nanguna sa Sacramento ng Binyag at naging instrumento ng biyaya sa espesyal na araw na ito.

“Maligayang pagdating sa ating pananampalatayang Kristiyano, mga munting Pandieño,” pagtatapos ng alkalde. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News