Thursday, July 2, 2026
Amana Water Park
HomeProvincial NewsBulacan UnliNewsMahigit 445 solo parent sa Pandi, tumanggap ng ‘cash subsidy’

Mahigit 445 solo parent sa Pandi, tumanggap ng ‘cash subsidy’

ANG Pamahalaang Bayan ng Pandi ay namahagi ng cash subsidy para sa 445 kwalipikadong Pandienyong solo parent na isinagawa sa Pandi Sports Complex noong Martes (June 30).

Ang mga qualified at assesed na Pandienyong solo parent ay makakatanggap ng allowance alinsunod sa R.A. 11861 o “Expanded Solo Parents Welfare Act”.

Hindi magkamayaw sa galak ang mga solo parents nang tanggapin ang halagang P3,000 cash susbsidy sa loob ng dalawang quarters ng taon dahil malaking tulong ito sa kanilang pang-araw-araw na gastusin.

Patuloy na ipinapakita ng Pamahalaang Bayan sa pangunguna ni Mayor Rico Roque ang malasakit at suporta sa mga solo parents sa pamamagitan ng tuloy-tuloy na pagbibigay ng financial assistance.

“Nakakatuwang makita ang inyong mga ngiti at marinig ang inyong mga kuwento ng pasasalamat, dahil alam nating malaking ginhawa ang bawat tulong na naibibigay para sa pang-araw-araw na pangangailangan ng inyong pamilya,” ayon kay Mayor Roque,

Dagdag pa ng alkalde, sa ating mga solo parent, saludo kami sa inyong walang sawang pagmamahal, sakripisyo, at katatagan. Araw-araw ninyong pinapatunayan na walang hamong hindi kayang harapin para sa kapakanan ng inyong mga anak.

“Sa bawat hakbang ng inyong paglalakbay, asahan ninyo na may isang Pamahalaang Bayan na patuloy na nagmamalasakit, nakikinig, at handang umalalay,” pagtatapos ni Mayor Roque. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News