LUNGSOD NG MALOLOS — Sa kabila ng patuloy na pag-ulan dulot ng pinalakas na habagat at mga Bagyong Luis at Maymay, ang Pamahalaang Lungsod ng Malolos nung Lunes (Aug. 17) katuwang ang BulSU – Social Work at Malolos police ay walang tigil sa pamamahagi ng relief packs sa mga MaloleƱo na nasa evacuation centers at mga lugar sa lungsod na lubhang naapektuhan.
Ayon sa City Social Welfare and Development Office, tinatayang nasa 8,136 na pamilya na ang napamahagian ng mga relief packs magmula nang simulan ang evacution and relief operations ng Pamahalaang Lungsod.
Inaasahan ngayong araw (Martes) ang pagpapatuloy ng operasyon kung saan nakatakdang ipamahagi ang 2,940 relief packs sa mga lugar ng lungsod gaya na lamang ng Atlag, Sto. Rosario, Bulihan, Anilao, at Coastal Areas ng Lungsod, na kasalukuyan pa ring nakararanas ng matinding pagbaha.
Hinihikayat ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos na makipag-ugnayan sa mga opisyales ng inyong Barangay tungkol sa iyong mga kalagayan upang maipaalam sa Pamahalaang Lungsod at mabigyan ng agad na aksyon. Manatili ring alerto at maging maingat.
Kung may mga katanungan at pangangailangan, maaaring tumawag sa mga emergency hotlines na makikita sa post na ito: https://www.facebook.com/share/p/1dMFuyutp4/
Source: Malolos CIO

