CITY OF SAN JOSE DELMONTE, Bulacan — Sa patuloy na pagsusulong ng Alagang San Joseño, inilalapit ni Mayor Ate Rida Robes ang mga programa at suporta ng pamahalaang lungsod sa iba’t ibang sektor kabilang ang mga kooperatiba na mahalagang katuwang sa pag-unlad ng kabuhayan ng mga San Joseño.
Sa isang mahalagang pagpupulong kasama ang City Cooperative Development Council, tinalakay ang mga karagdagang hakbang upang higit na kilalanin ang ambag ng sektor ng kooperatiba at matugunan ang kanilang mga pangangailangan sa pamamagitan ng mas matibay na suporta at koordinasyon.
Dahil sa kooperasyon, mas maraming oportunidad ang nabubuksan. At sa pagkakaisa ng mga San Joseño, mas matatag nating naitatayo ang isang lungsod na ang asenso ay ramdam sa bawat tahanan.
Source: SJDM CIO

