IPINAGMAMALAKING itinampok ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pangunguna ng Provincial Cooperative and Enterprise Development Office (PCEDO) ang mga produktong gawang-Bulakenyo at pinapalakas ang mga lokal na entreprenyur sa pormal na pagbubukas ng Tatak Singkaban Trade Fair 2026 kamakailan sa Robinsons Place Malolos Ground Level, Lungsod ng Malolos, Bulacan.
Dumalo sa aktibidad sina (pangatlo mula sa kaliwa) Mikaela Valerio na kinatawan ni Bise Gobernador Alex Castro, Puno ng PCEDO Abgd. Jayric Amil, Konsehal James Santos na kinatawan ni Gobernador Daniel R. Fernando, at ang mga kawani ng PCEDO.
INSET: Masayang tinatangkilik ng mga pumupunta sa trade fair ang iba’t ibang lokal na pagkain tulad ng mga cake at meryenda mula sa mga exhibitor booth. (UnliNews Online)
Larawan mula sa Provincial Public Affairs Office

