Friday, September 20, 2024
Amana Water Park
HomeUnliNews BulacanTulong ni Natividad sa mga magsasaka ng Lungsod ng Malolos

Tulong ni Natividad sa mga magsasaka ng Lungsod ng Malolos

LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan — Isa na naman kapaki-pakinabang na programa para sa mga magsasaka sa Lungsod ng Malolos ang ibinaba ni City Mayor Atty. Christian D. Natividad sa pakikipag-ugnayan nito sa National Food Authority (NFA).

Ang nasabing programa ay ang Palay Assistance Program for Legislators and Local Government Units (PALLGU) na ang mga naaning palay ay ibebenta sa NFA na bibigyan naman ng karagdagang halaga na 3 piso kada kilo ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos. Halimbawa kung ang presyo ng palay ay 19 pesos kada kilo ito ay magiging 22 pesos kada kilo.

Kauna-unahan ang Malolos sa Bulacan at sa Region 3 na nagbigay ng karagdagang 3 piso sa kada kilo ng palay na iibebenta ng malolos farners.

Tanging malolos farmers lamang ang makakatanggap ng nasabing benipisyo sa mga palay na kanilang ipagbibili sa NFA.

Lubos naman ang pasasalamat ng mga magsasaka sa naturang lungsod sa kanilang nakuhang karagdang halaga, anila “malaking tulong ito para sa amin, naibsan ang pagal na katawan sa pagbubungkal ng lupa umulan man o umaraw upang alagaan ng ilang buwan at maantay ang napakahalagang butil na pinagsasaluhan sa ating mga hapag kainan. (UnliNews Online)

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments