Sunday, July 12, 2026
Amana Water Park
HomeProvincial NewsBulacan UnliNews10 arestado sa anti-drug ops ng Bulacan police; P210K halaga ng shabu...

10 arestado sa anti-drug ops ng Bulacan police; P210K halaga ng shabu nasamsam

CAMP ALEJO SANTOS, Bulacan — Sa tuluy-tuloy na laban kontra sa iligal na droga, matagumpay na nagsagawa ng magkakahiwalay na buy-bust operation ang Bulacan police noong Friday (July 10), na nagresulta sa pagkakaaresto ng 10 na indibidwal, pagkakasamsam ng 26 sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng mahigit P210,460 at buy-bust money.

Batay sa report ni P/Lt. Col. Nelson M. Sardin, Hepe ng Pandi MPS, 4 na drug suspect ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation laban sa iligal na droga sa Brgy. Bunsuran 1st, Pandi, Bulacan noong Hulyo 10, 2026 dakong 4 a.m.

Nakumpiska mula sa suspek ang 6 na plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may tinatayang halaga na P68,000at buy-bust money.

Samantala, ayon sa ulat ng mga hepe ng Pulilan, Balagtas, Meycauayan, Angat, Bocaue, at Plaridel Police Station, anim 6 pa na indibidwal ang naaresto sa magkahiwalay na operasyon laban sa ilegal na droga na nagresulta sa pagkakakumpiska ng 20 sachet ng hinihinalang shabu na may tinatayang kabuuang halagang 142,460 at buy bust money.

Ang lahat ng mga naarestong suspek ay nasa kustodiya na ng pulisya at mahaharap sa mga kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ayon kay P/Col. Jay B. Baybayan, Acting Provincial Director ng Bulacan PPO ang mga ito ay bahagi ng mas malawak na kampanya upang mapanatili ang kaayusan at kaligtasan ng mga mamamayan sa Bulacan. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News