PANDI, Bulacan — Umabot sa 507 na mga lolo at lola ang nagdiwang ngayong buwan ng kanilang espesyal na araw kasama ang walang kapagurang si Mayor Enrico Roque at ilang mga miyembro ng Sangguniang Bayan.
Walang mapagsidlan ng saya at kagalakan ang mga lolo at lola dahil sa Jollibee Birthday Party na handog na Pamahalaang Bayan ng Pandi na ginanap sa Amana Royale ngayong Lunes (July 13). Mas lalo pong naging espesyal ang araw na ito dahil sa mga palaro, sayawan at mga pa-premyo na inihanda para sa kanila.

Nabigyan ng isang araw na puno ng tawanan at mga alaalang siguradong mananatili sa puso nina lolo at lola. At ang makita silang masaya ay worth it at priceless.
Ayon kay Mayor Roque, “Hindi lang po ito basta birthday celebration, kundi pagpapakita ng ating pagmamahal, pagpapahalaga at pagkilala sa ating mga Senior Citizens na nagsilbing inspirasyon sa bawat Pandieño. Dahil dito sa Bayan ng Pandi, sila ang BIDA ng SAYA!”
Happy Birthday po, mahal naming mga Lolo at Lola, ani ng alkalde. (UnliNews Online)

