LUNGSOD NG MALOLOS — Mula sa maigting na pagtitiwala ng mga Pandienyo at sa mahusay nitong pamumuno at pagpapatupad ng mga programa na nagdudulot ng kaginhawaan sa kanyang mga mahal na kababayan, kinilala si Mayor Enrico Roque, na isa sa tatlong top performing municipal mayors sa Lalawigan ng Bulacan.
Kasama sa mga nangungunang local executives, si Mayor Roque ay may kaakibat na gradong 83.6 IOG (Index of Governance), 83.5% Trust, at 83.8% Performance na mula sa RPMD Foundation Inc. (RPMD) na nagsasagawa ng mga survey na “Boses ng Bayan” upang suriin ang pagganap ng mga opisyal ng publiko, mga alkalde, at gabinete.
Kahanay ni Mayor Roque sa Top 1 municipal mayors, ang nangungunang si Mayor Jocell Vistan ng Plaridel at ang pangatlong si Mayor Omeng Ramos ng Bayan ng Santa Maria.

Inilabas ng RPMD Foundation Inc. (RPMD), sa pamamagitan ng pambansang inisyatibo nitong “Boses ng Bayan” ang pagtatasa nito sa pamamahala para sa mga nangungunang alkalde ng Bulacan para sa unang kwarter ng kanilang serbisyo publiko.
Sinusuri ng ulat ang bawat lokal na punong ehekutibo sa pamamagitan ng Index of Governance (IOG), Trust Rating and Job Performance.
Isinagawa ang survey mula Abril 1 hanggang 8, 2026, na epektibong sumusuri sa pamamahala sa buong unang quarter ng 2026. Ang survey ng probinsya sa Bulacan ay bahagi ng inisyatibo ng RPMD para sa serbisyo publiko sa buong bansa at masasabing independiyente.
Sinaklaw ng survey ng probinsya ang 5,000 respondents mula sa lahat ng uri ng sosyoekonomiko. Ang sample ay tinimbang nang proporsyonal upang kumatawan sa populasyon ng botante ng bawat munisipalidad, na may ±1 percentage-point margin of error sa 95% confidence level.
Dalangin ng mamamayan ng Pandi na “Nawa’y patuloy si Mayor Roque na mamuno nang may integridad, pakikiramay, at kahusayan habang binubuo nito ang isang mas maliwanag at mas maunlad na kinabukasan para sa mga Pandienyo. (UnliNews Online)
SOURCE: RPMD FB Page

