Sunday, September 6, 2026
Amana Water Park
HomeProvincial NewsBulacan UnliNews‘Hindi tayo magtuturuan. Magtutulungan tayo. Kikilos tayo para sa mas maayos, mas...

‘Hindi tayo magtuturuan. Magtutulungan tayo. Kikilos tayo para sa mas maayos, mas matiwasay, at mas ligtas na Bulacan’

LUNGSOD NG MALOLOS — Pinangunahan ni Gov. Daniel R. Fernando ang isang coordination meeting kasama ang Department of Public Works and Highways (DPWH), National Irrigation Administration (NIA), at Department of the Interior and Local Government (DILG), upang masusing matukoy ang mga sanhi ng patuloy na pagbaha at ang mga hakbang na dapat isagawa — kapwa agaran at pangmatagalan.

Partikular na tinutukan ang sitwasyon sa Longos at Bulihan sa Malolos, Malis sa Guiguinto, Panginay sa Balagtas, Masuso sa Pandi, at Saluysoy sa Meycauayan.

Batay sa inisyal na pagsusuri ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), hindi high tide ang sanhi sa mga barangay na ating tinutukan ngunit dahil sa: mga nakaharang sa natural na daluyan ng tubig; barado o sirang mga culvert; mababaw at maputik na mga ilog at sapa; kakulangan sa mga dike at river wall; at iba pang imprastraktura at gawaing nakaaapekto sa maayos na daloy ng tubig.

Malinaw ang direktiba sa lahat ng kinauukulang ahensya: Huwag nating hayaang mauwi sa puro pag-uusap ang ating mga pagpupulong. Kung may problemang maaari nang aksyunan, kumilos tayo agad. Para naman sa mga suliraning nangangailangan ng mas malawak at pangmatagalang solusyon, maglatag tayo ng malinaw na plano at sama-sama natin itong isakatuparan.

Binibigyang-diin ni Gov. Fernando na may pananagutan at mahalagang tungkulin ang bawat isa. Hindi ito trabaho ng iisang ahensya lamang. Kailangan ang pagkakaisa at koordinasyon ng Pamahalaang Panlalawigan, mga lokal na pamahalaan, DPWH, NIA, DILG, at iba pang kinauukulang ahensya.

“Hindi natin ipinapangakong malulutas ang lahat sa loob lamang ng isang araw. Ngunit ang mahalaga, nasimulan na natin ang sama-samang pagkilos, tuloy-tuloy ang ating trabaho, at malinaw ang direksyong ating tinatahak,” dagdag pa ni Fernando. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News