Sunday, August 2, 2026
Amana Water Park
HomeProvincial NewsBulacan UnliNewsVillanueva, kumonsulta sa mga alkalde ng Bulacan bago ang talakayan sa Budget...

Villanueva, kumonsulta sa mga alkalde ng Bulacan bago ang talakayan sa Budget 2027

Mga suliranin ng probinsya, tinalakay!

BALIWAG, Bulacan — Nakipagpulong si Senador Joel Villanueva sa mga alkalde ng iba’t ibang bayan at lungsod sa Bulacan nitong Biyernes (Hulyo 31) upang mas maunawaan ang ang mga suliranin ng probinsya bago talakayin sa Senado ang pambansang budget para sa taong 2027.

Sa naganap na pagpupulong na ginanap sa Star Arena sa Lungsod ng Baliwag, ibinahagi ng mga punong-bayan ang kanilang mga hinaing. Pinakaunang binigyang-diin ang problema sa suplay ng tubig sa lalawigan.

“SAMA-sama po tayong tugunan ang mga pangangailangan ng ating mga kababayan lalo na ang mga mahihirap at walang trabaho.” — ani Senador Joel Villanueva. (Larawan ni Verna Santos)

Bagama’t marami na po tayong napagtagumpayan dito sa Bulacan, marami pa rin po tayong mga problemang kinakaharap sa kasalukuyan,” sabi ni Sen. Villanueva.

“Sama-sama po tayong tugunan ang mga pangangailangan ng ating mga kababayan lalo na ang mga mahihirap at walang trabaho.”

Kasabay ng konsultasyon, pinangunahan din ni Villanueva ang pamamahagi ng mahigit 2,000 food packs sa mga residente ng Baliwag.

Tumungo rin siya sa Guiguinto at Marilao upang alamin ang iba pang pangangailangan ng mga lokal habang nagsasagawa ng pamimigay ng tulong at pagsasanay.

Binisita din ang Bayan ng Guiguinto, dumalo siya sa Tech-Voc Scholar’s Day na may isang pagsasanay para sa komunidad. May live demo ng paggawa ng tinapay at pastry, reflexology, paggupit ng buhok, barista at bartending.

Ito ay proyekto nina Villanueva, ‘TESDA’, at Guiguinto PESO. Kasabay nito ang job fair at scholarship drive kung saan tumanggap ng aplikasyon ang PESO at namahagi naman ng enrollment coupons ang mga TVI para sa mga TESDA scholarship.

Kabilang din ang Bayan ng Marilao sa mga dinalaw ni Sen. Villanueva kung saan namahagi siya ng 1,000 rain gear at 1,000 hygiene kitsw para sa mga mag-aaral ng elementarya at high school.

Pinasalamatan ni Senator Joel Villanueva ang mga nakiisa sa nasabing pagpupulong na sina Angat Mayor Jowar Bautista, Balagtas Mayor Andy Santiago, Baliwag Mayor Sonia Estrella, Vice Mayor Ferdie Estrella (Baliwag), Bocaue Mayor JJV, Calumpit Mayor Lem Faustino, DRT Mayor Ronaldo Flores, Guiguinto Mayor Boy Cruz, Hagonoy Mayor Charo Sy-Alvarado, Marilao Mayor Jem Sy, Norzagaray Mayor Merlyn Germar, Obando Mayor Ding Valeda, Pandi Mayor Rico Roque, Paombong Mayor Mark Marcos, Pulilan Mayor Rj Peralta, San Ildefonso Mayor Gazo Galvez and San Miguel Mayor Bong Alvarez. (UnliNews Online)

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News