LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan — Pormal nang inilunsad nu’ng Biyernes (Setyembre 11, 2026), alas-9 ng umaga sa Malolos Sports and Convention Center, Brgy. Bulihan sa nasabing lungsod ang JBM Patrol System o Joint Police, Barangay Peacekeeping Action Teams, Mobilization Towards Crime Prevention and Detection in Central Luzon.

Sa halip na si P/Brign Gen. Jess B. Mendez, Regional Director ng PRO 3, ang nasa programa, kinatawan ito ni P/Col. Angel Garcillano, Assistant Regional Director for Operations (ARDO) ng PRO3 ang nanguna sa paglulunsad. Kasama ring dumalo at nakiisa sina PCol. Jay Baybayan, OIC Provincial Director ng Bulacan Police Provincial Office, at si Malolos City Mayor Christian D. Natividad.
Layunin ng programa na pag-isahin sa iisang sistema ang lakas ng kapulisan at ng Barangay Peacekeeping Action Teams o BPATs. Sa bagong sistemang ito, hindi na hiwa-hiwalay ang pagkilos sabay na ang pagpapatrolya, sabay ang pagresponde, at sabay ang pagbabantay sa krimen sa bawat barangay sa Bulacan at sa buong Gitnang Luzon.
Ayon kay P/Col. Garcillano, malaking bahagi ng tagumpay ng crime prevention ay nasa barangay mismo. Sila ang unang nakakakita, unang nakakarinig, at unang rumeresponde. Kaya sa JBM Patrol, mas palalakasin ang suporta, koordinasyon at komunikasyon ng pulis at BPATs.
Naging matagumpay ang pagtitipon na dinaluhan ng mga hepe ng pulisya, mga lider ng BPATs at iba pang stakeholders. Ito ay simula ng mas pinaigting na ugnayan ng pulis at komunidad.
Hindi lang ito basta magtatapos sa launching. Ito ang simula ng pangako na mas magiging ligtas, mas alerto, at mas mapayapa ang bawat komunidad sa Central Luzon dahil magkatuwang na ang pulis at ang barangay sa pagbabantay.
Sa mensahe naman ni City Mayor Atty. Christian D. Natividad aniya, “napakapalad ng ating bansang Pilipinas dahil dito lamang sa atin mayroon mga volunteers saan man isla sitio o pulo gaya ng mga mother leaders, mga tanod mga social welfare at mga tulad nyo na boluntaryong iniaalay ang mga sarili para sa ating mga ka Nayon at mga kababayan sapagkat kahit saan man sulok ng mundo sa ibang bansa ang tanging naiiwan lamang ay ang mga kapulisan, sila lamang ang tanging malalapitan at matatawagan sa oras ng may aberya o hindi magandang pangyayari.
Kaya sana ang oras na ito ay ikintal natin sa ating kaisipan na gamitin, ipakita hindi lang Bulacan, hindi lang sa lunsod. Na kaya natin pamunuan ng maayos, na may dignidad, sapat na kakayanan ang ating mga barangay, ating mga pulis militar, mga lalawigan at mga probinsya.
Sa ngalan po ng ating malayang pagka-Pilipino na malayang makakatulog sa hating gabi ang mga mamamayan at sa paggising nila malaya at maayos pa rin kasama ang karapatang pantao, ang pilipinas at lunsod maayos tahimik sa ilalim ng JBM”. (UnliNews Online)

