PANDI, Bulacan — Base sa PNP Focused Agenda Accomplishments para sa Hulyo 2026, kinilala bilang rank 2 ang Pandi Municipal Police Station (MPS) sa hanay ng Top Performing Class A Municipal Police Stations sa buong Region III.
Sa inilabas na talaan ng Philippine National Police (PNP), nagtala ang Pandi MPS ng 51.29% total earned points, dahilan upang makamit nito ang ika-2 pwesto. Samantala, ang Bayan ng Plaridel ay kinilala bilang ika-5 pwesto, ang Bayan ng Sta. Maria ang pumang-anim at ang Bayan ng Norzagaray naman ay siyang ika-9 na pwesto.
Ang naturang pagkilala ay sumasalamin sa patuloy na pagsisikap ng Pandi MPS sa ilalim ng pamumuno ni P/Lt. Col. Nelson M. Sardin sa pagpapatupad ng mga programa at inisyatiba ng PNP na nakatuon sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan, pagpapalakas ng police visibility, at paghahatid ng mabilis at maaasahang serbisyo sa ating bayan.
Patunay rin ang tagumpay na ito sa dedikasyon at sama-samang pagkilos ng mga opisyal at kawani ng Pandi MPS, gayundin sa patuloy na pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan sa pamumuno ni Mayor Enrico Roque at ng mamamayan sa pagsusulong ng isang ligtas at mapayapang pamayanan.
Inaasahang magsisilbing inspirasyon ang pagkilalang ito upang lalo pang pagbutihin ng Pandi MPS ang kanilang serbisyo at ipagpatuloy ang kanilang layunin na makapagbigay ng tapat, mahusay, at may pusong serbisyo para sa bawat Pandieño. (UnliNews Online)
Source: Mayor Rico Roque FB Page

