Monday, August 10, 2026
Amana Water Park
HomeProvincial NewsBulacan UnliNewsBulacan Dreamers, nasungkit ang bronze medal sa 2026 Senior League Softball World...

Bulacan Dreamers, nasungkit ang bronze medal sa 2026 Senior League Softball World Series

LUNGSOD NG MALOLOS — Gumawa ng isang payak na kasaysayan sa pandaigdigang pampalakasan na hindi na marahil mapapantayan o mahihigitan pa at tatatak sa isipan ng mga Pilipino kapag mapag-uusapan ang larong softball.

Ang Bulacan Dreamers Softball Team ay nasungkit kagabi (Aug. 9) ang unang bronze medal ng Asia-Pacific Region sa 2026 Senior League Softball World Series sa Delaware, USA.

Tinapos ng koponan ng mga Pilipina ang kanilang kampanya sa pamamagitan ng 5-1 na tagumpay laban sa Europe-Africa sa bronze-medal game, na naghatid ng karangalan sa buong lalawigan at sa bansa.

Pinuri ni Gobernador Daniel R. Fernando ang makasaysayang tagumpay ng grupo, at binigyang-diin na ang kanilang tagumpay ay sumasalamin sa matibay na determinasyon, disiplina, at pagsusumikap ng mga kabataang Bulakenyo.

“Buong husay ninyong itinanghal ang Lalawigan ng Bulacan sa pandaigdigang entablado. Pinatunayan ninyo na may puwang ang mga atletang Bulakenyo sa mundo ng palakasan at kaya nating makipagsabayan sa pinakamahuhusay na atleta mula sa iba’t ibang panig ng mundo. Ipinagmamalaki namin ang inyong kahusayan at taos-pusong nagpapasalamat sa karangalang hatid ninyo sa ating lalawigan,” ani Fernando.

Nakamit ng Bulacan Dreamers ang kanilang podium run dahil sa kanilang momentum sa Pool A, kung saan tinalo nila ang Latin America (8–3), East Region (10–0), at Southwest (18–1).

Sa kabila ng pagkatalo sa Delaware D3 sa huling yugto ng group-stage, nakabangon ang Bulacan sa knockouts sa pamamagitan ng 10-0 shutout laban sa Canada. Hindi sila nakaabot sa final sa isang mahigpit na 1-0 semifinal heartbreak laban sa Central Region, ang mga naging kampeon, bago muling umarangkada upang selyuhan ang ikatlong puwesto sa buong mundo laban sa Europe-Africa.

Taglay ang bronze ng World Series at ang pagwagayway ng watawat ng Pilipinas sa Delaware, uuwi ang Dreamers bilang mga kampeon at simbolo ng determinasyon, disiplina, at kahusayan. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News