San Rafael, Bulacan — Kinilala ang Pamahalaang Bayan ng San Rafael bilang Drug-Free Workplace matapos nitong makamit ang Drug-Free Workplace Certification mula sa Regional Peace and Order Council (RPOC) Region III.
Ipinagkaloob ang sertipikasyon bilang pagkilala sa masigasig na pagpapatupad ng pamahalaang bayan ng mga programa at polisiya laban sa ilegal na droga, gayundin sa mga hakbang nito upang mapanatili ang ligtas, maayos at disiplinadong lugar ng trabaho.
Ang pagkilalang ito ay hindi lamang isang parangal kundi patunay ng patuloy nitong pagsisikap na mapanatili ang isang payapa, ligtas at drug-free na workplace para sa mga kawani at mamamayan.
Mahalaga rin ang naturang sertipikasyon sa pagsusulong ng kamalayan at responsableng pagkilos ng mga empleyado laban sa ilegal na droga, lalo na sa loob ng mga tanggapan ng pamahalaan.
Sa pagkilalang ito, inaasahang magpapatuloy ang Pamahalaang Bayan ng San Rafael sa pagpapatupad ng mga programa para sa drug prevention, peace and order at pagpapanatili ng ligtas na kapaligiran sa trabaho at komunidad. (UnliNews Online)
Source: San Rafael MIO

