Wednesday, September 30, 2026
Amana Water Park
HomeProvincial NewsBulacan UnliNewsAko’y bata, ligtas pa ba ako?

Ako’y bata, ligtas pa ba ako?

NARITO ang padalang ulat ng isang tagasubaybay, mula sa paaralang ayaw na niyang pabanggit, gayundin ang kanyang pangalan, isa siyang Guidance Counselor (GC), narito po: “Ito ay Isa lamang sa mga katanungan na dapat mabigyan ng sapat na kasagutan. Sa sunod sunod na mga pangyayari sa loob ng Paaralan na kung saan itinuturing na pangalawang tahanan at Ligtas na Lugar para sa atin ,tila yata nabago dahil sa sunod sunod na mga pangyayari at mga Bata ang biktima.

Maging handa sana tayo Hindi lang sa earthquake or fire drill ang sinasanay, dapat kasabay na din ang shooting drill upang maiwasan muli ang pagbuwis ng Buhay naming kabataan. Kung ang sabi ng ating bayaning Dr. Jose P. Rizal “Ang kabataan ang Pag asa ng ating Bayan” paano kami maasahan kung sa murang edad ay nalalagay kami sa mga panganib?

Kung hindi kami pangangalagaan at nasa ligtas na lugar lalo na sa panahon ngayon na halos social media ang malakas na contributing factor sa amin maging sa pag uugali, pakikipagkapwa, kilos at pananamit?

Subalit hindi pa huli ang lahat kung ang lahat ng ating mga magulang ay magkaroon ng paghihigpit sa pag bantay sa kanilang mga anak sa paggamit ng mga gadget, pagpasok sa mga sites na hindi pa angkop sa mga Bata, pagkakaroon ng guidance at monitoring sa mga palabas o laro.

Huwag pag sawaan bigyan ng paalala at gabay upang magkaroon ng discipline at takot at makaiwas sa mga violent behavior, kung itong mga ganito at ma implement sa loob ng tahanan maaaring hindi lumaganap ang mga ganitong karahasan, dahil ang Paaralan ay hindi nagkulang upang gabayan kaming mga Bata sa loob ng Paaralan.

Sa ngayon ang ating mga Police ay romoronda sa mga schools upang maging safe ang paligid, nagkaroon ng Shooting Drill or Active Shooter Attack, ang bawat paaralan ay nagbuo ng mga teams tulad ng mga guidance counselors for Psychosocial team for counseling sa mga makakaranas ng takot or trauma, meron first Aid team, Communication team at iba pa, pagkakaroon ng Prevention, preparedness, Protective and Recovering support.

Kaya sana hiling naming kabataan na Hindi muli maulit pa ang mga pangyayari.”

Paghahanda para sa ating kabataan sa larangan ng karera

Narito pa ang karagdagang ulat ng nasabing GC, narito po: “

Inilunsad ng Public Employment Service Office (PESO) ang Career Development Support Program noong Setyembre 14, 2026 sa isang pribadong paaralan upang magbigay ng sapat na paghahanda sa mga mag-aaral.

Tinalakay sa programa ang mga angkop na hakbang para sa kanilang kinabukasan — kabilang ang pagkakataong makapagtrabaho sa ilalim ng summer job upang mahasa ang kakayahan, matutong kumita, at maging makabuluhan ang kanilang bakasyon. Ibinahagi rin ang mga kursong in demand sa kasalukuyang merkado upang makapili sila ng larangang angkop sa kanilang mga potensyal, kasanayan, at talento.

Tinalakay din ang mga iskolarship na maaari nilang pag-aplayan — malaking tulong sa panggastos, lalo na sa mga pamilyang hindi sapat ang kakayahan sa pagpapatuloy ng pag-aaral.

Naging matagumpay at makabuluhan ang gawain, na isinagawa sa pakikipagtulungan ng Guidance and Counseling Department ng nasabing paaralan.”

Tsk! Tsk! Tsk! Patuloy po lamang magpadala ng inyong lathalain, at iyan ay bibigyan natin ng pansin, Salamat Mam. (UnliNews Online)

Vic Billiones
Vic Billioneshttp://unlinews.org
VIC Billones lll was born and raised in Manila, Philippines. He started writing short stories and illustrating in Comics competitively while studying B. S. Journalism at the Lyceum of the Philippines, Intramuros, Manila, in 1977 and graduated in 1981. After graduating from college, he started to write and work in several national newspapers such as The Philippine Tribune, Liberty, KABAYAN, and broadsheet Sun Star Manila as a correspondent in the Province of Bulacan. In 2003 he toured in Los Angeles California, USA, for a month. Before he left the USA, he met Mr. Calvert Dacanay, then the Publisher of TALIBA. Inc. Billones became a columnist and was designated as Bureau Chief of TALIBA, Inc USA, based in the Philippines and he left the USA in 2011. In July 2016, Billones asked to work as a Consultant for Media Affairs, for the City Administrator’s Office at the City of San Jose Del Monte (CSJDM,) Bulacan. ended July, 2022, besides his job in CSJDM, he pursues his passion for writing a weekly columns for RONDA BALITA and RONDA Online News; Board of Editor/Columnist for SAKTO Balita; Columnist for Waterfront News, LATIGO Newspaper, Mabuhay Newspaper, CENTRO News, News Watcher and Luzon Times.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News