PANDI, Bulacan — Pormal na sinimulan ng Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA)-Pandi ang pagdiriwang ng Elderly Filipino Week sa pamamagitan ng isang Banal na Misa sa Immaculate Conception Parish bilang pasasalamat at paghingi ng gabay at pagpapala para sa mga nakatatanda.
Naging bahagi ng pagdiriwang ang panalangin para sa kalusugan, kaligtasan at patuloy na paggabay sa mga minamahal na lolo at lola.
Kasabay nito, hinikayat ang publiko na higit na pahalagahan ang mga nakatatanda sa pamamagitan ng pagpapakita ng pagmamahal, paggalang at pasasalamat sa kanilang mga ambag sa pamilya at komunidad.
Binigyang-diin din ang kahalagahan ng pag-alalay sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan upang matiyak na mararamdaman nila ang pagmamahal at pagkalinga ng kanilang mga mahal sa buhay. (UnliNews Online)
Source: Pandi MIO

