Thursday, May 23, 2024
Amana Water Park
HomeProvincial NewsAngat, Bulacan Mayor Jowar Bautista suportado ang Elite Warriors

Angat, Bulacan Mayor Jowar Bautista suportado ang Elite Warriors

ANGAT, Bulacan — Mainit ang naging pagtanggap ni Angat Mayor Jowar Bautista sa mga opisyal at miyembro ng Citizen Anti-Crime Action Group Elite Warriors Inc., sa isinagawang courtesy call noong Lunes (June 19).

Tiniyak ni Mayor Bautista na buo ang suporta niya sa grupong Elite Warriors dahil sa dedikasyon ng mga miyembro nito na bukas-palad sa boluntaryong pagtulong sa mga Pilipino.

Kasunod nito’y hinimok ng alkalde ang grupo na magsumite ng kaukulang dokumento sa kanyang opisina.

Matapos ang maikling oras ng pakikipagpulong, masayang nagpakuha ng larawan ang Elite Warriors na pinangunahan ni National President Robin Macabocsit, Vice President Matt Ranilo Bautista, Chairman of the Board Cel De Ocampo kasama ang iba pang opisyal ng naturang grupo kasama si Mayor Bautista.

Samantala tiniyak naman ni Macabocsit na bukas ang grupo sa lahat ng paraan ng pagtulong sa mga mahihirap na Pilipino partikular sa mga Bulakenyos. (UnliNews Online)

RELATED ARTICLES

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments