Friday, September 20, 2024
Amana Water Park
HomeALA BIRAMga mayor na mayroong ginagawang illegal activities kinakalos na?

Mga mayor na mayroong ginagawang illegal activities kinakalos na?

MUKHANG patapos na ang panahon at kinakalos na ang mga alkalde na gumagawa ng illegal activities. TINUTULDUKAN NA ’eka nga

Katulad nitong Mayor ng Bonifacio, Misamis Occidental. Ayon sa report, hinuli ng mga pulis na mayroong heavy firearms si Bonifacio Misamis Occidental Mayor Samson Dumanjug sa kasong hindi pagsunod sa itinakdang suspensyong 60 days na ipinataw sa kanya. BETRAYAL OF PUBLIC TRUST. MALING PAGGASTOS.

Isa pa itong Mayor ng Mabini Batangas, na si Mayor Nilo Villanueva. Ni-raid ng di-mabilang na miyembro ng Criminal Investigation Detection Group (CIDG) National Capital Region ang bahay ng nasabing alkalde na may dalang search warrant.

Natagpuan diumano ayon sa report ang iba’t ibang kalibreng baril, bala, at pampasabog. Kasama ang kapatid, kinasuhan sila ng awtoridad ng paglabag sa Illegal Possession of Explosives and Comprehensive Firearms and Ammunition and Regulation Act. Ang nasabing raid ng CIDG NCR sa bahay ng nasabing mayor ay bahagi diumano ng OPLAN Paglalansag Omega.

Sana ay ma-imbestigahan din ang ibang alkalde sa ilangbayan sa Unang Distrito ngBatangas nadiumanoayon sa reliable source ay may illegal activities na ginagawa lalo na ang paghawak at pagiging kapitalista ng iligal na pasugalan at STL bookies sa nasabing distrito.

Tinatawagan natin ng pansin si Batangas Gov. Hermilando Mandanas na sana ay tularan mo ang gobernador ng Misamis Occidental na siyang nag-utos upang hulihin si Mayor Samson Dumanjug.

Pinipitik din natin ang PCSO sapagkat labis na nasasaktan sa mga bookies ay ang mayayaman sapagkat sa halip na mapunta sa gobyerno ang kinikita ng Small Town Lottery at maitulong sa mamamayang mahihirap ay aang mga BUWAYANG KAPITALISTA ang nagmumunini. (UnliNews Online)

Bayani H. Alamag
Bayani H. Alamaghttp://unlinews.org
Bayani Hernandez Alamag was born and raised in Calaca, Batangas. A former writer/correspondent of Philippine Journalists’ Incorporated (publisher of People's Journal, People's Tonight, and Taliba). Presently, he is a reporter for REMATE, a national tabloid newspaper, and a columnist for A-1 INFO. Alamag is also a publisher of The TRUTH, Batangas provincial newspaper and he is a member of the National Press Club (NPC).
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments