LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan — Ang Pamahalaang Lungsod sa pamamagitan ng Human Resources Management Office ay nagsagawa ng kauna-unahang Public Service Values Orientation para sa mga opisyal at kawani ng city hall.
Sa pangunguna ng Civil Service Commission, ang dalawang araw na Public Service Values Orientation ay ginanap sa Barcie International Center sa Barangay Bulihan ng nabanggit na lungsod.
Binigyang-diin ni HRMO Head Cristina Gutierrez sa panimula ng programa ang Accountability, Honesty, Integrity, at Exellence na nagsisilbing core values ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos.
Ipinaliwanag din niya ang service value ni Mayor Christian D. Natividad, na “Dakila ang Bayan na may malasakit sa Mamamayan,” na dapat aniyang isapuso at makita sa pagbibigay serbisyo sa mga mamamayan.
Ang 2-araw na gawain ay hinati sa 4 na batches na kung saan binigyang kahalagahan ang pagsasabuhay ng PIES o ng Patriotism, Integrity, Excellence at Spirituality upang maitaas ang antas ng paglilingkuran.
Ang oryentasyong ito ay magsisilbing paalala din sa mga kawani na bagamat madaming tukso sa larangan ng serbisyo publiko, malalampasan ang mga ito kung ang pagtulong ay mula sa puso at kung ang bawat isa ay may takot sa Diyos.
Dumalo sa naturang gawain ang halos 800 kawani mula sa iba’t-ibang departamento sa unang araw ng programa.
Nagbigay din kanilang sariling pananalita sina Merari M. Ordoñez at Mark Anthony G. Malitan, Training Specialist mula sa Civil Service Institute.(UnliNews Online)
Source: Malolos CIO